What's Hot

EA Guzman on quarantine: "Nakaka-depress dahil nakaka-miss magtrabaho"

By Cara Emmeline Garcia
Published August 6, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


Inamin ni EA Guzman na nakaramdam siya ng depresyon ngayong panahon ng quarantine.

Malaki ang naging epekto sa buhay ni Kapuso actor Edgar Allan Guzman ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Maliban sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 positive cases sa bansa, isa na rin ang showbiz industry sa mga pansamantalang nahinto dahil dito.

Kaya naman pag-amin ni EA, nakaramdam siya ng depresyon at anxiety noong mga unang buwan ng lockdown.

Aniya sa GMANetwork.com, “Feel ko naman, lahat tayo for the whole five months na nasa bahay lang tayo. Hindi mo maiiwasan na makaranas ng depression or anxiety.

“Dahil unang-una, 'yung mga nangyayari at nakikita mo sa news parang mapapasabi ka na lang sa sarili mo na nakakatakot nang lumabas at nakakatakot nang makihalubilo sa ibang tao.

“When it comes to us naman mga artista, there are no tapings and no work kaya 'yung skills namin medyo hindi nagagamit.

“So, nakaka-depress din dahil nakaka-miss magtrabaho at magkakaroon ka rin ng sepanx sa trabaho mo.

“Unlike nung mga last month before the ECQ, sunud-sunod 'yung trabaho mo and then all of a sudden, biglang shutdown. Wala!

“So lahat, yung pag-arte mo hindi mo magagamit. So talagang nakakalungkot and at the same time masasaktan ka rin e kasi ganun 'yung nangyayari.”

Isang post na ibinahagi ni EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) noong

Para hindi malungkot at madala ng depresyon, minabuti raw ni EA na mag-ehersisyo at gumawa ng ilang TIkTok videos para magamit ang kanyang talento sa pagsayaw at pag-arte.

“Ang laban ko naman diyan is nagiging positive ako sa buhay. Lagi kong iniisip na nangyayari ito sa amin, sa akin, ay may purpose kung bakit siya nangyayari.

“Kaya ang ginagawa kong is nagwo-workout at nagti-TikTok. 'Yun yung mga ginagawa ko para hindi kinakalawang 'yung pagsasayaw at pag-aarte.”

Isang post na ibinahagi ni EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) noong