
Bukod sa ating Kapuso Morning Sunshine na si Shaira Diaz, isang pang mahalagang tao sa buhay nito ang proud sa pagtatapos niya sa kolehiyo. Ito ay walang iba kung hindi si EA Guzman.
Noong Huwebes, August 22, masayang ibinalita ng Sparkle host na graduate na siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management, sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.
Sa Instagram post, inalala ng Bubble Gang star na si EA ang sinabi ni Shaira sa kaniya bago siya bumalik sa pag-aaral noon.
"Ang hindi ko makakalimutan na tanong mo sakin bago ka mag aral ulit, 'Baba kaya ko ba? Kakayanin ko ba pagsabayin? Maraming pagaalinlangan pero eto oh, BABA KINAYA MO at NATAPOS MO!” sabi ni EA.
Pagpapatuloy niya, “Nakita ko kung pano mo pinaghirapan 'to. Kahit walang tulog ok lang matapos mo lang pag aaral mo. Nakaka-proud ka. Isa ako sa pinakamasayang tao para sa'yo. IKAW ANG IDOL KO.
“Andito lang ako palagi, papalakpak sa lahat ng tagumpay mo sa buhay. Mahal na mahal kita .”
Napa-komento naman si Shaira sa sweet message ng kaniyang nobyo sa Instagram. Tugon niya, “THANK YOU sa suporta at sa pagtitiwala baba. Mahal na mahal kita!”
Noong Pebrero 2024, kinumpirma nina EA at Shaira ang kanilang engagement na nangyari noong December 2021.
Kasalukuyang napapanood din si EA sa hit afternoon drama na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law.'
RELATED CONTENT: GRADUATION PHOTOS NG MGA SIKAT