
Mapapa-'sana all' ang lahat kung gaano ka-supportive ang fiancé ni Shaira Diaz na si Bubble Gang actor EA Guzman.
Kahapon, ibinahagi ng binansagang Morning Sunshine ng Unang Hirit na bumili siya bagong SUV at binayaran niya ito in full.
Lahad ng Sparkle actress ay reward din niya ito para sa sarili, para sa lahat ng pagsusumikap niya sa kaniyang trabaho.
Samantala, sa Instagram ni EA, i-pinost niya ang larawan ni Shaira katabi ang bago nitong kotse na may kasama pang sweet message na, “Congratulations my love! You deserve all the blessings in life. Ako ang pinakamasaya para sa'yo. Nakakaproud ka.”
Noong nakaraang buwan, ipinadiwang nina EA at Shaira ang kanilang 11th anniversary at bago nito ay kinumpirma na nila sa publiko na engaged na sila, since 2021.
RELATED CONTENT: CELEBRITY CARS
Bukod sa Bubble Gang, may bago rin show si EA Guzman, ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, kung saan gaganap siya bilang si Atty. Kurt Ignacio.
Bibida rin sa bagong serye sa hapon sina Jo Berry, Jason Abalos, Joaquin Domagoso, at marami pang iba.
Mapapanood ang world premiere nito sa GMA Afternoon Prime, ngayong March 4.