
Nagpasalamat at pinuri ng aktor na si EA Guzman ang teen actor na si Miggs Cuaderno dahil sa pagganap nito bilang batang bersyon ng karakter niya sa GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso na si Miro.
Malapit na kasing mapanood si EA Guzman bilang si Miro, ang nag-iisang lalaki sa magkakapatid na Lea (Vaness Del Moral) at Olive (Claire Castro).
"Kudos to you bro @miggscuaderno, husay mo as Young Miro," sulat ni EA sa kanyang Instagram story.
"Eto naaa. Handa ka na ba para sa bagong yugto ng 'Nakarehas Na Puso?'"
Sa Nakarehas Na Puso, mapapariwara ang buhay ni Miro at mawawalan ito ng direksyon mula nang magkawatak-watak ang pamilya nila.
Nakakulong kasi ang ina niyang si Amelia (Jean Garcia) samantalang sa pagkakaalam niya ay namatay na ang kanilang amang si Jack (Leandro Baldemor).
Abangan si EA sa bagong yugto ng Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG HOTTEST PHOTOS NI EA SA GALLERY NA ITO: