
Wagi si Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa ikaapat na Entertainment Editor's Choice (EDDYs) Award ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap kahapon, April 4, para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.
Sa awards night, ibinahagi ni EA ang kanyang pagkagulat na matanggap ang award at pinasalamatan ang lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.
“Oh, my God! Unexpected,” aniya habang tinatanggap ang award.
“Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. 'Yung every project na ibinibigay N'ya sa akin, andoon 'yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n'ya iniiwan bigla kundi binibigay N'ya.
“Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYs, sa SPEED, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”
Dagdag pa ng Kapuso actor, “Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po.
“Siyempre, good luck sa lahat ng nominees tonight and congratulations sa lahat ng mananalo. Maraming, maraming salamat po.
“Sorry pero 'di ko po talaga ine-expect pero maraming, maraming salamat po ulit.”
Panoorin ang kanyang winning moment dito:
Isa ang Coming Home sa mga proyekto ni EA Guzman na naantala noong 2020 dahil sa COVID-19 kaya hindi pa ito ipinapalabas sa mga sinehan.
Kuwento ni EA noon sa GMANetwork.com, marami siyang pinagdaanan sa pelikulang ito kaya naman kino-consider n'ya itong isang napakaespesyal na project.
“Maraming 'first time' para sakin dito,” wika niya.
“First time ko magkaroon ng family movie. First time ko makatrabaho si Shaira Diaz, Ms.Sylvia Sanchez, Sen.Jinggoy Estrada and Martin Del Rosario sa movie.”
Bitiw pa n'ya, “Memorable para sa akin 'yung role ko dito dahil malapit sa totoong buhay ko.
“Panganay na mahal na mahal ang pamilya. Sila 'yung naging inspirasyon ko sa buhay. Talagang 'yung bawat linya tagos sa puso. Minahal ko ng sobra 'yung role ko dito. Drama talaga s'ya… 'Ensemble acting' kumbaga.
“Grabe 'yung tulong ng co-actors ko dito para magawa ko ng maayos yung mga eksena. Sana mabigyan ulit ako ng chance to work with them again.”
Panoorin ang teaser trailer ng Coming Home dito: