
Ngayong Sabado, December 8, hindi lamang ang Eat Bulaga ang lumipat sa bago nitong tahanan na APT Studios kungdi pati na rin ang Sugod Bahay winner na si Josephine.
IN PHOTOS: Inside APT Studios, 'Eat Bulaga's' new home
Hindi makapaniwala si Josephine nang tuparin ni Bossing Vic Sotto ang hiling niyang magkaroon ng bagong bahay nang tanungin kung may nais pa ba siyang matanggap.
Pagkatapos ng segment ay agad-agad na nag-empake ang pamilya ni Josephine para sa paglilipat.
Pagkadating sa lilipatan, hindi naiwasan ni Josephine na maiyak sa tuwa.