GMA Logo Joey de Leon as Barbie
What's Hot

'Eat Bulaga' host Joey de Leon joins the 'Barbie' trend with this old snap from the '90s

By EJ Chua
Published April 6, 2023 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kremlin says peace prospects not improved by Europe, Ukraine changes to US proposals
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Joey de Leon as Barbie


Joey de Leon sa kanyang entry para sa viral na 'Barbie' poster: “This Barbie is made in the Philippines.”

Kasunod ng anunsyo tungkol sa characters para sa upcoming comedy movie na Barbie, trending ngayon sa social media ang 'Barbie' posters na pwedeng i-customize ng ilang fans at mga nag-aabang sa naturang palabas.

Kanya-kanyang entry ang makikita ngayon sa Facebook, Instagram, at pati na rin Twitter.

Ngunit bukod sa young ones na nakisali sa viral posters, hindi rin nagpahuli ang Eat Bulaga host na si Joey de Leon.

Sa Instagram, kinaaliwan ng ilang followers ni Joey ang kanyang kakaibang entry tungkol sa poster ng pelikula.

Isang throwback photo kasi ang kanyang ginamit na nagmula pa sa kanyang dating pelikula na pinamagatang Barbi.

Makikita sa larawan na inilapat niya sa poster na siya ay may suot na mga hikaw, naka pambabaeng damit, at naka makeup pa.

Mababasa naman sa bandang itaas ng poster ang kanyang tagline na, “This Barbie is made in the Philippines.”

Kakabit naman nito ay ang isa pang larawan kung saan makikita ang ilang detalye tungkol sa pinagbidahan niyang pelikula noon.

Sulat niya sa caption ng kanyang IG post, “Did you know that the real name of this 'Barbie' is Bartolome Del Rosario? [laugh and heart emojis] #barbiethemovie.”

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Para sa mga hindi nakakaalam, bumida si Joey De Leon sa 1989 movie na Barbi: Maid in the Philippines na idinirehe ni Tony Y. Reyes. Nasundan ito ng dalawa pang Barbi movies, ang Barbi for President noong 1991 at Run Barbi Run noong 1995. Huling nasilayan sa pelikula ang karakter na Barbi sa 2017 comedy movie Barbi: D' Wonder Beki na pinagbidahan naman ni Paolo Ballesteros.

KILALANIN ANG ACCOMPLISHED CHILDREN NI JOEY DE LEON SA GALLERY SA IBABA: