
Apat na malaking announcements daw ang dapat abangan sa pagdiriwang ng longest running noon time show na Eat Bulaga ng kanilang 40th anniversary ngayong araw, July 30.
Una na rito ang pagkakaroon nito ng panibagong franchise sa ibang bansa.
Mapapanood na sa lalong madaling panahon ang Eat Bulaga sa Myanmar!
First Big Announcement: Magkakaroon na ng bagong Franchise ang Eat Bulaga!
-- Eat Bulaga (@EatBulaga) July 30, 2019
Magkakaroon na ng Eat Bulaga Myanmar!
Ito ang pangalawang franchise ng Eat Bulaga sa labas ng Pilipinas.
Una nang nagkaroon ng Eat Bulaga! Indonesia sa istasyong SCTV at The New Eat Bulaga! Indonesia sa istasyong ANTV.
Joey de Leon, ikinuwento kung saan nanggaling ang pangalan ng "Eat Bulaga"
WATCH: Aira Bermudez, tumatanaw ng utang na loob sa 'Eat Bulaga'