
Palaisipan ngayon sa maraming netizens ang teaser video na inilabas ng Eat Bulaga sa Facebook page ng TAPE Inc. kung saan mapapanood ang hosts nito na nakikinig sa isang kanta.
“Malapit niyo na itong mapakinggan! [music notes emoji],” saad sa caption ng nasabing video.
Komento naman ng mismong TAPE Inc. sa comments section ng post, “After so many years... ito na talaga! Yun na!”
Ngayong Sabado, July 29, mapapakinggan ang nasabing awitin sa Eat Bulaga.
“Nice one! Excited na po kaming mapakinggan,” komento naman ng isang Eat Bulaga viewer.
Bukod dito, may bagong sorpresa rin umano ang programa sa lahat ng mga manonood sa pagdating ng mga “naglalakihang papremyo.”
Tumutok sa Eat Bulaga, ngayong Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
SILIPIN ANG MASAYANG KULITAN NG EAT BULAGA HOSTS SA GALLERY NA ITO: