
Memorable moment para sa Sparkle actress na si Bianca Umali na makita na nag-eenjoy ang kaniyang lola na si Mama Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga na live sa APT Studios sa Cainta, Rizal.
Guest host sa longest-running noontime show sina Bianca at kaniyang boyfriend na si Ruru Madrid.
At nitong weekend ay ibinahagi niya ang selfie kasama ang kaniyang lola na tuwang-tuwa na makita ang mga dabarkads.
Sabi ni Bianca sa kaniyang Instagram post, “143, DABARKADS!!!... @eatbulaga1979, you made my Mama Vicky oh so very happy. Maraming maraming maraming salamat po! Mission Accomplished!”
Nagsilbing magulang na ni Bianca ang kaniyang Mama Vicky, matapos pumanaw ang kaniyang mga magulang na si May Soler Umali at Jose Vicente Umali.
Sinabi noon ng former Legal Wives star sa kaniyang Kapuso Profiles interview ang naging sakripisyo ng kaniyang lola ng inampon siya nito.
Lahad ni Bianca, “She is my superhero, kasi 'yun nga noong ako po ay naulila sa mga magulang, tinanggap niya ako with her arms open, wholeheartedly, inampon niya ako sa kanila nang walang pag-aalinlangan, when I had nothing and nothing at all.
“As to who and how I am today, this, I believe is all her doing. Napalaki niya ako into a strong person and I'm very thankful for that and kung wala siya hindi ko alam kung nasaan ako ngayon."
MEANWHILE, CHECK OUT THE BEAUTIFUL TRANSFORMATION OF BIANCA UMALI IN THIS GALLERY: