GMA Logo Ebe Dancel
Photo by: Ebe Dancel
What's Hot

Ebe Dancel, makakasama ang Sandwich sa 'Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration'

By Aimee Anoc
Published March 28, 2023 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Ebe Dancel


Bukod sa rock band na Sandwich, makikisaya rin sa 'Sa Wakas: The Repeat' ang stand-up comedian na si Red Ollero at ang string quartet na 'Manila String Machine.'

Magkakaroon ng stage repeat ang alt-rock icon na si Ebe Dancel para sa selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng Sa Wakas, ang iconic debut album ng Pinoy Rock band na Sugarfree.

Matapos ang success ng unang "Sa Wakas" concert noong Enero kung saan halos 2,000 katao ang nakisaya, napagdesisyunan ni Ebe na magkaroon ng stage repeat para rito dahil na rin hinihiling ito ng marami niyang mga tagahanga.

"Well two reasons, mas marami kasing hindi nakapanood kaysa nanood so days later I was getting messages and letters from fans asking for a second day so I spoke to Mitch. Kasi kami ni Mitch nag-agree na kami na okay na kami sa isa. Pero dahil nga roon sa clamor, gagawin ulit namin," sabi ni Ebe.

"Two, although we're not announcing it, we're raising funds for a very good friend of mine who needs help because he has cancer and we wanna keep him safe and comfortable," dagdag niya.

Ayon sa alt-rock icon, mas magiging mahaba ngayon ang set ng "Sa Wakas: The Repeat" at maiiba na rin ang lineup ng concert.

"Binawasan na namin so we can play a longer set kasi nabitin 'yung mga [nanood]. Ewan ko kung paano kayo nabitin sa 17 songs so dadagdagan pa namin, I think five songs so it's gonna be 22. Then, there's gonna be more space this time kasi last time parang naubos 'yung tickets within, if I'm not mistaken 24 hours, so pinalaki lang namin," pagbabahagi ni Ebe.

Makakasama ni Ebe sa stage repeat ng "Sa Wakas" ang paborito niyang rock band na Sandwich, na aniya ay "personal request" niya. Gayundin, ang stand-up comedian na si Red Ollero at ang string quartet na Manila String Machine.

"Personal request ko ang Sandwich, tsaka si Red, so there's gonna be a comedy, there's gonna be music, and then there's gonna be me, which is a mix of comedy and music.

"Because Sandwich will always be one of my favorite bands. And then, when we were starting out, Sugarfree were starting out, Sandwich 'yung palaging nagsasabing, 'Halika kayo, tugtog kayo, sama kayo sa amin. Malaking karangalan na nandoon sila at pumayag sila, at may oras sila. Si Red, nakakatawa kasi siya e. Kailangan natin lahat tumawa. This fantastic guy, I met him for the first time yesterday, he is great," kuwento ni Ebe.

Dagdag niya, "Ang Manila String Machine, late addition sila. I'm very grateful kasi sila 'yung nag-volunteer para 'Can we join you?' Kasi nagkita kami sa isang wedding sa Rizal... kaming pareho ang guest performers and then I guess siguro na-miss nila ako so na-miss ko rin sila."

Magaganap ang "Sa Wakas: The Repeat" sa 123 Block, Mandala Park sa March 31.

BALIKAN ANG UNANG 'SA WAKAS' 20TH-ANNIVERSARY CELEBRATION NI EBE DANCEL SA GALLERY NA ITO: