GMA Logo Ebe Dancel
What's Hot

Ebe Dancel pens open letter to thank frontliners

By Cara Emmeline Garcia
Published August 2, 2020 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Ebe Dancel


“Ang totoo, pinipigilan ko ang luha ko ngayon...” salaysay ni Ebe Dancel sa kanyang open letter para sa frontliners.

Idinaan ni Ebe Dancel sa isang open letter ang kanyang pasasalamat sa frontline workers ng bansa na pilit pa rin lumalaban sa pandemyang COVID-19.

Humingi ng patawad ang former Sugarfree member sa kanila dahil kumpara sa pagsuot ng face mask na lagi niyang idinadaing, mas may karapatan magreklamo ang frontliners sa dami ng kanilang pinagdadaanang hirap araw-araw.

Aniya sa Instagram, “Pasensya na po kayo. Magsuot lang ako ng mask, napapagod na ako minsan. Ikaw pa kayang naka-PPE buong araw. Minsan 'di na kayo makakain at makapagbanyo.

“'Yung iba, hindi na makauwi kasi baka may mga bata at matatanda sa bahay niyo. Makauwi man kayo, 'di niyo siguro mayakap ang mga mahal niyo sa buhay. Mahirap na. Mahirap na…”

Kuwento ni Ebe, lagi niyang ipinagdarasal ang mga mahal niya sa buhay na medical frontliners upang hindi ito mahawa sa gitna ng pag-aalaga sa mga pasyenteng may sakit.

Dagdag pa niya, “Ang totoo, pinipigilan ko ang luha ko ngayon habang ginagawa ko ang liham na ito para sa'yo.

“Alam kong pagod na pagod ka na, marami ka pang maririnig tapos makakalimutan ka pang pasalamatan.

“Baka minsan nararamdaman mong parang wala ka nang maibibigay. Bilib na bilib ako sa 'yo at sa mga sakripisyo mo para sa bayan. Biyaya ka sa akin at sa buong Pilipinas.

“Alam kong kulang ka na sa tulog. Baka nga 'di mo pa mabasa ito eh. Ok lang sa akin. At ok din lang na mapagod, pero pakiusap, 'wag mo kaming susukuan. Kasi hindi rin kita susukuan. Hihintayin kita.”

Kapalit ng kanilang serbisyo, ipinangako ng musician na “tutugtugin ko ang mga paborito mong kanta ko” sa sandaling matapos na ang pandemya.

“Mag-ingat ka sana palagi at 'wag mong papabayaan ang iyong sarili,” pagtapos niya.

Basahin ang kanyang buong liham:

An open letter Dear Medical Workers and Frontliners, Pasensya na po kayo. Magsuot lang ako ng mask, napapagod na ako minsan. Ikaw pa kayang naka PPE buong araw. Minsan di na kayo makakain at makapagbanyo. Yung iba, hindi na makauwi kasi baka may mga bata at matatanda sa bahay nyo. Makauwi man kayo, di nyo siguro mayakap ang mga mahal nyo sa buhay. Mahirap na. Mahirap na... May mga mahal ako sa buhay na mga doktor. Araw araw, nangangamba ako para sa kanila. Sana hindi sila magkasakit. Sana makapagpahinga sila sa gitna ng dami ng pasyenteng kailangang alaagan. Ikaw din, sana naman makahanap ka ng araw na pwede ka lang mag netflix at instagram at kumain nang napakalupit na paborito mong ulam. Kung hindi dahil sa iyo at mga katulad mo, pano na kaya kaming mga ordinaryong mga mamamayan? Ang totoo, pinipigilan ko ang luha ko ngayon habang ginagawa ko ang liham na ito para sa yo. Alam kong pagod na pagod ka na, marami ka pang maririnig tapos makakalimutan pang pasalamatan. Baka minsan nararamdaman mong parang wala ka nang maibibigay. Bilib na bilib ako sa yo at sa mga sakripisyo mo para sa bayan. Biyaya ka sa akin at sa buong Pilipinas. Alam kong kulang ka na sa tulog. Baka nga di mo pa mabasa ito eh. Ok lang sa akin. At ok din lang na mapagod, pero pakiusap, wag mo kaming susukuan. Kasi hindi rin kita susukuan. Hihintayin kita. Pagkatapos ng pandemyang ito, kapag pumunta ka sa show ko, magpakilala ka lang at yayakapin kita at tutugtugin ko ang mga paborito mong kanta ko. Mag ingat ka sana palagi at wag mong papabayaan ang iyong sarili. Habangbuhay na nagpapasalamat, Ebe Dancel

A post shared by Ebe Dancel (@ebedancel) on

Isinulat ni Ebe ang liham na ito ilang oras pagkatapos manghingi ng “time out” ang ilang medical groups kay President Rodrigo Duterte noong Sabado, August 1.

Ayon sa reports, umapela ang mga ito na ilagay muli sa enhanced community quarantine ang National Capital Region dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 patients sa bansa.

Isinalaysay ni Philippine Medical Association president Jose Santiago sa isang virtual press conference, “The medical community appeals for a return to enhanced community quarantine in Mega Manila from August 1 to 15 to recalibrate strategies against COVID 19.

“Health care workers are united in sounding a distressed signal to the nation. Our healthcare system is overwhelmed.

“Our health care workers are burnt out with the seemingly endless number of patients trooping to our hospitals for emergency care and admission.

“We have witnessed a consistent rise in the number of infections in these among other scenarios prompts us to act now and act fast.”

Sa ngayon, may mahigit 100,000 confirmed cases na ang bansa.