
Simula May 6, mapapanood na sa GMA ang dalawa sa hottest Thai celebrities na sina Mark Prin at Maylada Susri.
Abangan sina Mark Prin at Maylada Susri bilang Rina at Enzo sa pinakabagong Lakorn ng GMA, ang Eclipse of the Heart.
Makakasama sa mystery, romance series na ito sina Two Popetorn Soonthonryanakij bilang Sam, Unda Kulteera Yordchang bilang Kara, at Nok Chatchai Plengpanich bilang Brian.
Iikot ang kuwento ng Eclipse of the Heart sa pagtuklas ni Rina (Maylada Susri) sa misteryo ng biglaang pagkamatay ng kanyang amang si Ben (Game Santi Santiwetchakun), na sinampahan ng kasong pagnanakaw ng itinuring niyang pangalawang ama na si Brian (Nok Chatchai Plengpanich).
Makakasama ni Rina sa paghahanap ng katotohanan si Enzo (Mark Prin), ang pinaka hindi niya inaasahang makatutulong sa kanya dahil itinuturing itong black sheep ng pamilya.
Huwag palampasin ang Eclipse of the Heart, simula May 6, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, KILALANIN SI MARK PRIN SA GALLERY NA ITO: