Article Inside Page
Showbiz News
After 42 days abroad, dumating si Richard Gutierrez sa Pilipinas, in time for the VIP screening ng box-office movie niyang
In Your Eyes.
After 42 days of filming for Survivor Philippines Celebrity Showdown, dumating si Richard Gutierrez sa Pilipinas, in time for the VIP screening ng box-office movie niyang In Your Eyes. Masayang-masaya at very proud naman ang kanyang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa kanilang anak. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Connie M. Tungul.

Noong August 18 nga ay dumating na sa Pilipinas si Richard Gutierrez in time for the VIP screening of his box-office movie with Claudine Baretto and Anne Curtis na
In Your Eyes. Masaya nga ang kanyang co-actors dahil ngayon ay kumpleto na silang makakapag-promote ng kanilang movie. Syempre hindi rin mawawala sa masayang event na ito ang very proud parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Matagal nawala ang young actor dahil sa shooting nila para sa
Survivor Philippines Celebrity Showdown kaya naman hindi maiiwasang hindi mag-alala ng kanyang mga magulang. Kuwento nga ni Annabelle na nag-aalala siya dahil iba ang kondisyon sa isla. “Napakatagal [niyang nawala]. Tapos pag tumawag pa siya, mabilisan lang hindi iyong tsismisan. ‘Ibang klase iyong doon [sa isla],’ sabi niya,” pagkukwento ni Annabelle.
Maging ang kanyang ama nga na si Eddie Gutierrez ay kinabahan rin para sa binata. “Alam mo kinakabahan din ako dahil matagal siya doon. At saka hindi naman madali iyong trabaho niya,” seryosong sagot ng ama ni Richard. Ngunit sabi nito, alam niyang kayang-kaya ito ng anak niya dahil nga simula pagkabata ay mahilig na sa adventures ang binata, “Alam ko si Richard, pag sinabi mong, ‘Kaya mo bang gawin ito?’ kahit na dangerous kinakaya ni Richard. Lumaki siyang ganyan eh. Kasi nga noong bata pa siya, ganyan na talaga si Richard.”
Ang biggest challenge nga raw para sa young actor ay ang pagkaka-miss nito sa Pilipinas at sa kanyang mga loved-ones na nandito. “Siguro iyong nalulungkot siya [ang pinakamahirap para sa kanya]. Nami-miss niya iyong Pilipinas. Nami-miss niya iyong mga loved ones niya dito. Sinabi niya minsan sa akin na, ‘Nalulungkot ako dito.’ Sabi ko kaunting tiyaga na lang at ilang araw na lang,” kuwento ni Eddie.
Wala naman bang nami-miss na special someone ang kanilang binata? “Alam mo si Richard, hindi kinukwento sa akin ang tungkol sa love life niya. Iyan ang isang topic na hindi namin pinag-uusapan,” nakangiting sagot ng ama ng binata.
Hindi rin masukat ng kahit anong salita ang pride na nararamdaman ng mag-asawa sa mga achievements ng kanilang anak. “Super proud ako ngayon dahil nanalo na lahat ng kaso niya at saka successful iyong pelikula,” sagot ni Annabelle, “Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood ng pelikula ni Richard, Claudine, at si Anne. Sa suporta ninyo napakaganda ng pelikula. Maraming-maraming salamat. Sa lahat ng hindi nanood, manood kayo kasi napakaganda ng istorya.”
Dahil nga sa magandang reviews na nakukuha ng
In Your Eyes, hindi maiwasang maitanong sa ama ni Richard kung nakikita ba nito ang kanyang sarili sa anak niya in terms of acting. “Alam mo, iba si Richard umatake ng role eh. Iba rin ang pag-atake ko ng role,” sagot ni Eddie, “may kaunting similarities, pero iba si Richard and I am very proud of him.”
Panoorin si Richard Gutierrez sa
In Your Eyes which is now showing in cinemas nationwide.
Pag-usapan si Richard sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get more updates from Richard through his Fanatxt service! Just type
RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type
GOMMS (space) RICHARD (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.