Article Inside Page
Showbiz News
Eddie Garcia talks about his new role in 'Koreana' and about what it’s like working with Kris Bernal.
Eddie Garcia talks about his new role in ‘Koreana’ and about what it’s like working with Kris Bernal. Text and photo by Karen de Castro.

Veteran actor and respected director Eddie Garcia can add Korean chef and restaurant chain owner to his list of roles played in his entire showbiz career as he plays yet another remarkable role sa pinakabagong drama sa hapon ng GMA, ang
Koreana. Dito ay makakatrabaho niya si Kris Bernal on her first solo lead role.
“Ako ang lolo ni Kris,” says Eddie. “Matagal [kaming hindi magkikita], dahil nung nawala siya, she was about five years old nung kinidnap siya ng nanay niya at dinala sa probinsya. At lumaki siya doon ng hindi ko na alam. Ipinahahanap ko, pero hindi matagpuan. Nagkita lang kami nung siya’y seventeen years old na, ito na yun.”
Ano naman kaya ang magiging iba sa kanyang pagganap dito sa role na ito from his other roles in the past, having played so many recognizable roles throughout his career?
“Well, first of all, ang role ko dito ay isang Koreano, although dito lumaki sa Pilipinas. Pero ang pag-uugali niya, Koreano pa rin,” he shares. “Kamukha nung kaisa-isa niyang anak, gusto niyang mapangasawa nito ay isang Koreana, pero hindi nangyari yun. Ang napangasawa ay isang Pilipina, na yun na nga ang naging nanay ni Kris.”
Ngunit may background ba siya sa kultura ng mga Koreano bago pa man siya magsimulang gumanap bilang isang Korean chef?
“On Korean culture? Well, sa mga books lang na nababasa ko,” pag-amin niya. “May mga kaibigan din akong mga Koreano.”
E pagdating naman sa pagluluto? Nag-aral ba siya ng Korean cuisine bilang paghahanda para sa kanyang role?
“Sa libro lang,” sagot niya.
Kamusta naman ang kanyang experience working with his onscreen apo so far?
“Napaka-professional, napakagaang katrabaho, and pagdating niya sa set, she’s prepared,” paglalahad niya. “So si Kris, malayo ang mararating niya as an actress. At marunong [siya] makisama.”
Mapapanood na si Mr. Eddie Garcia and the rest of the cast of
Koreana tuwing hapon pagkatapos ng
Trudis Liit only on GMA.
Pag-usapan ang
Koreana sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!