GMA Logo Eddie Gutierrez
Celebrity Life

Eddie Gutierrez, emosyonal na nagpaalam sa kaibigan at yumaong aktres na si Susan Roces

By Jimboy Napoles
Published May 25, 2022 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Eddie Gutierrez


"Rocs [Susan Roces], Rocs, I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye." - Eddie Gutierrez

Sa huling gabi ng lamay ng mga labi ng namayapang Queen of Philippine movies na si Susan Roces kahapon, dumating ang marami sa kanyang mga malalapit na kaibigan at dating mga nakatrabaho sa industriya ng showbiz gaya na lamang ng kanyang matalik na kaibigan at on screen partner din noon sa maraming pelikula na si Eddie Gutierrez.

Sa eulogy ng batikang aktor na si Eddie, inalala nito kung paano sila nagkakilala at naging malapit na magkaibigan ni Susan.

Kuwento niya, "Naging kaibigan ko siya for 60 years baka more, at lahat ikinukuwento ko sa kaniya, [siya rin lahat] kinukuwento sa akin, naging very very close kami.”

"Sabi nga ng ibang fans 'Eddie hindi mo ba naging girlfriend si Susan?' sabi ko, 'Hindi, never kong niligawan si Susan.' sabi ko, 'We were just partners,'' saad niya.

Ibinahagi rin ng batikang aktor ang ilan mga sa naging huling pag-uusap nila ni Susan kung saan ay hindi na napigilan ni Eddie na maging emosyonal.

Aniya, "Hanggang 'yun nga noong birthday niya, parang all of a sudden naging malungkot siya. Tapos nagpaalam na kami sabi niya 'Take care.' Sabi ko, 'Ikaw din, take care. Mahal na mahal kita Susan.'”

"Ikaw din sabi niya, 'mahal kita'," umiiyak na sinabi ni Eddie.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, patuloy na naging madamdamin si Eddie habang sinasabi ang pamamaalam sa kaibigan.

Aniya, "Rocs [Susan Roces], Rocs, I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye."

Ililibing ang mga labi ng namayapang batikang aktres sa darating na Huwebes, sa Manila North Cemetery, katabi ang mga labi ng kanyang asawa na si Fernando Poe Jr.

Samantala, balikan ang mga ala-ala ni Susan Roces sa gallery na ito: