What's Hot

Edgar Allan Guzman, Kaloy Tingcungco at Ashley Ortega bibida sa LGBTQIA+-themed episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 5, 2021 2:59 PM PHT
Updated August 5, 2021 9:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Edgar Allan Guzman, Kaloy Tingcungco, at Ysabel Ortega


Panoorin sina Edgar Allan Guzman, Kaloy Tingcungco, at Ashley Ortega sa bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, 4pm.

Kakaiba ang istorya ng bagong Wish Ko Lang sa Sabado, August 7, na may titulong 'Three Nanays and a Baby,' na pagbibidahan nina Edgar Allan Guzman, Kaloy Tingcungco, at Ashley Oretga.

Gagampanan nina Edgar Allan at Kaloy sina Elison at Andre na mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Si Aika, na gagampanan ni Ashley, ang magiging tulay sa pagmamahal nina Elison at Andre pero mukhang siya rin ang sisira dito.

Sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabi ni Kaloy na maraming matututunan ang mga manonood sa kanilang episode sa Sabado.

Saad niya, "Ipapakita dito sa istorya kung paano niya ija-juggle 'yung friendship, life, love, at saka 'yung personal life niya."

Mapapanood din sa episode na ito sina Lucho Ayala, Maricar de Mesa at Mel Kimura.

Huwag palalampasin ang 'Three Nanays and a Baby' sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Samantala, mas kilalanin pa si Kaloy sa gallery na ito: