
Iniwan na nga sa Pilipinas, niloko pa. 'Yan ang hinanakit nina Mayet (LJ Reyes) at Bobby (Edgar Allan Guzman) sa mga partner nilang sina Tessa (Ina Feleo) at Raymart (Boom Labrusca) na nagtatrabaho sa Taiwan.
"Bahay na ako, babe. Miss na agad kita. Sana matapos na ang dalawang buwan ng bakasyon natin para masolo na uli kita." - Tessa
'Yan ang nabasang text ni Mayet sa cellphone ng kanyang asawang si Raymart. Ang mas nakakagalit nito, may kasama pang sex scandal ng kanyang asawa at kabit nito!
'Yun pala, may karamay si Mayet sa kanyang problema--ang partner ni Tessa na si Bobby.
Paano kaya kung magsanib-puwersa ang mga asawang niloloko na nasa Pinas? Magkaayos pa kaya ang mga relasyon nila? O magkakaroon na ng palitan ng asawa?
Huwag palalampasin ang #TadhanaSWAP, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA Network!