Celebrity Life

Edgar Allan Guzman, sumabak sa 'coffee o 3 bottles' challenge

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 6, 2020 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Edgar Allan Guzman take on coffee or 3 bottles challenge


Sino kina Lovi Poe, Sanya Lopez, at Solenn Heussaff ang ide-date ni Edgar Allan Guzman over coffee?

Sumabak ang aktor na si Edgar Allan Guzman sa 'coffee or three bottles' challenge kung saan pinipili niya kung saan niya ide-date ang mga aktres na sina Lovi Poe, Sanya Lopez, at Solenn Heussaff.

Nang tanungin si Edgar Allan kung ano ang gusto niyang inumin kasama si Sanya, pag-amin niya, “Coffee kasi isa rin siya sa mga babae na ang bilis [mag-transition] na mainstream siya galing, tapos nag-Youtube siya.”

Pagdating naman kay Solenn, over three bottles of beer siya ide-date ni Edgar Allan.

Saad niya, “Actually lahat naman ata [may crush] kay Solenn. So, three bottles.”

“Three bottles [kasi] gusto ko lang siya makita na medyo tipsy.

"Hindi ko pa nakakatrabaho, hindi ko pa siya nakakasama sa taping, hindi ko pa siya nakakasama sa isang teleserye, hindi ko pa siya nakakasama sa isang movie.

“Gusto ko lang siya makitang tipsy kasi masyado siyang masayahing tao. 'Yun 'yung maganda sa kanya, very positive. 'Yung vibe niya, good vibes palagi.

“Parang ang sarap lang niya kainuman tapos at the same time, sayawan lang, kulitan lang kayo.

“So feeling ko, mag-e-enjoy ako 'pag kasama ko siya tapos three bottles.”

Tinanong rin si Edgar Allan kung saan niya ide-date si Lovi.

Panoorin ang sagot ni Edgar Allan sa kanyang 'coffee or three bottles' challenge:

Edgar Allan Guzman drops new single "On The Dance Floor"