What's on TV

Edgar Allan Guzman talks about his role in 'Dragon Lady'

By Bianca Geli
Published February 7, 2019 2:52 PM PHT
Updated February 8, 2019 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Edgar Allan Giuzman na very challenging ang gagampanan niyang role sa 'Dragon Lady.' "First time ko lang gagawin ito sa buong career ko."

Isang post na ibinahagi ni EA Guzman (@ea_guzman) noong

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

Mapapanood sa upcoming GMA Afternoon Prime ang newbie Kapuso na si Edgar Allan Guzman bilang isang Chinese businessman na magiging ka-love triangle nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

Kuwento ni Edgar Allan, “It's a challenging role, I'll be playing the role of a Chinese businessman. It's my first time, so bago, unlike sa The Stepdaughters na kontrabida ako doon. First time ko rin 'yun. Ito first time ko rin maging Chinese businessman so exciting 'yung role.”

Dagdag niya, “Ako rito si Goldwyn Chen. Isa akong businessman na galing sa isang Chinese family. Ako 'yung magda-doubt kay Janine sa kakayahan niya maging isang executive. Mamaliitin ko siya, pero habang tumatagal, ipu-prove niya na mali 'yung tingin ko sa kaniya at ma-iin love ako sa kaniya. So dun tatakbo 'yung story. Third wheel ako rito nina Tom and Janine.”

Bilang paghahanda sa kaniyang role ay pinagaaralan na raw ni Edgar Allan na matuto mag-Mandarin. Aniya, “Siguro 'yung pagsasalita ng Mandarin, challenging talaga. Kasi first time ko lang gagawin sa buong career ko. Na-eexcite rin ako maka-trabaho sila Janine and Tom, first time ko silang makakatrabaho.”