GMA Logo Edu Manzano
Photo source: Edu Manzano (FB)
Celebrity Life

Edu Manzano, may nakatutuwang reaksyon sa kontrobersyal P500 Noche Buena budget

By Karen Juliane Crucillo
Published December 3, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Edu Manzano


Nagbigay ng opinyon si Edu Manzano sa pahayag ng Department of Trade and Industry na sapat na ang P500 para sa Noche Buena ng isang pamilya.

Kabilang ang aktor at TV host na si Edu Manzano sa mga celebrity na nag-react sa pahayag ni DTI Secretary Cristina Roque na nagsasabing sapat na ang P500 para makapaghanda ng Noche Buena ang isang pamilya.

Sa Facebook, ibinahagi ni Edu ang AI-generated na larawan ng isang resibo mula pa noong 1993, na nagpapakita ng ingredients para sa Noche Buena na nagkakahalaga lamang ng P500.

“Pwede naman pala! 1993 nga lang,” isinulat niya sa caption.

Ibinahagi rin ng TV host na siya ay “bad mood” at “hindi pa rin maka-move on” sa P500 budget, dahil naniniwala siyang hindi ito sapat para sa isang pamilya.

Kinagiliwan naman ng fans ang isa pang AI-generated photo ni Edu na kumakain ng Noche Buena, na may caption na: “From Flood Control to Food Control.”

Ilan sa mga nagbahagi rin ng kanilang reaksyon kasama ni Edu ay sina Pokwang at Benjamin Alves, na dismayado rin sa pahayag ng DTI tungkol sa P500 budget para sa Noche Buena.

Samantala, tingnan dito ang celebrities na nakiisa sa Trillion Peso March 2.0: