Article Inside Page
Showbiz News
Today Edu Manzano turns 55 years old. At sa kanyang pagbabalik sa showbiz at sa Kapuso Network, mayroon isang hiling si Edu.
Today Edu Manzano turns 55 years old. At sa kanyang pagbabalik sa showbiz at sa Kapuso Network, mayroon isang hiling si Edu para sa kanyang kaarawan. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio
Maraming natuwa sa pagbabalik showbiz ni Edu Manzano at sa pagtanggap niya sa
Asar Talo Lahat Panalo bilang host nito. Kaya naman sa press launch ng naturang show, todo suporta ang entertainment press sa actor/host/politician.
“This is my 30th year in the buisiness. Noong nagsimula ako maraming sa inyo ang sumuporta, marami akong naging kaibigan dito, and I would like to think that we had a good 30 years,” ang paunang mensahe ni Edu during the event.

Pero despite being friends with almost everyone at the launch, hindi pa rin nakaligtas si Edu sa mga intriga. Of course, ang unang tinanong sa kanya is about the statement he made while campaigning for vice-presidency na hindi na siya babalik ng showbiz.
“Nung sinabi kong hindi ako babalik, that was in relation sa isang tanong wherein it said, 'Babalikan mo ba yung game show sa kabilang istasyon?' And I said, 'Hindi ko na babalikan yun. Ayoko nang sumayaw.'
"You know, I felt that naging unique opportunity yun at that time. Naging bagay yung mga ginawa kong antics nung panahon na yun. And now, since I'm turning 55, I would also like to think na I also want to grow, there is still room for growth as far as I'm concerned. And I would like to reinvent myself na naman,” ang paliwanag ni Edu.
So at 55, paano nga ba niya ire-reinvent ang kanyang sarili?
"In 2004, sinabi ko hindi ko na babalikan ang pelikula, which I have not, even though I still get offers every now and then. In 2006, sabi ko hindi na ako magteteleserye, which I did not. I felt that I have contributed my share and I would like to do other things in my life.
"Kaya ko lang tinanggap yung game show sa kabilang istasyon was kasi ang taping namin was after work, e. Yung 8 to 5 [a.m.-p.m.], talagang ibinigay ko sa OMB (Optical Media Board as chairman) yun, e.
"But then, when this concept was offered to me, maganda yung presentation. Unang-una, hindi ko na kailangang sumayaw. Maganda yung ginawa nilang concept, e. Because by nature, ang Pinoy at ang kultura natin, mga alaskador talaga, e. Pumunta ka sa highest form of government hanggang doon sa mga sari-sari store sa mga barangay, ang Pinoy talaga by nature, mapagbiro, mahilig mang-asar, o mang-alaska.
"And I'm very curious kung paano nila ilalagay itong lahat ng mga components na ito into a game show, which we were able to do very effectively. And then of course they are aware of the fact that I also want to be involved as a person not just as a host in front of the camera. I also want to develop shows.
"They also promised me that I can do things that I miss doing. At ito yung talk show ko. So, I will also coming back with
Not So Late Night With Edu. But, meron ding elements na babaguhin in keeping up with the times," ang mahabang sagot at paliwanag pa niya.
Abangan ang pagbabalik showbiz ni Edu Manzano via
Asar Talo Lahat Panalo. This one of a kind game show will hit your TV screens starting September 18 only on GMA!
Pag-usapan ang pagbabalik Kapuso ni Edu sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!