GMA Logo Kylie Padilla, Efren Reyes, and Francisco Bustamante
What's on TV

Efren 'Bata' Reyes at Francisco 'Django' Bustamante, napahanga sa ginawang 'trick' shot ni Kylie Padilla

By Aimee Anoc
Published March 11, 2022 1:35 PM PHT
Updated April 11, 2022 9:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Efren Reyes, and Francisco Bustamante


Nakalaro mismo ni Kylie Padilla ang billiards legends sa set ng bagong Kapuso teleserye na 'Bolera.'

Hindi na lang netizens at celebrities ang napapahanga ni Kylie Padilla sa mga ipinapakita niyang trick shots dahil maging ang billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante ay napapa-high-five sa husay ng aktres.

Sa post ni Kylie sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang sayang nararamdaman nang makasama sa unang pagkakataon ang mga hinahangaang manlalaro ng billiards na sina Efren, Django, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Gonzales Chua.

Isang post na ibinahagi ni kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Sa ibinahaging video ng aktres, makikita na kasama niyang naglalaro sa set ng bagong Kapuso serye na Bolera ang mga billiard masters at legends.

Dito, nagpamalas si Kylie ng isang trick shot kung saan tatlong beses niyang pinabanda ang cue ball bago ipinatama sa isang bola na nagpapasok sa target ball nito.

Hindi naman napigilan nina Efren at Django ang tuwa sa ginawang trick shot na ito ni Kylie at napa-high-five sa aktres.

"Sobrang saya ko para kay Joni. Salamat mga idol Efren, Rubilen, Django, and Johann," sulat ni Kylie.

Samantala, makakasama ni Kylie sa Bolera sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.

Mapapanood ang Bolera soon sa GMA Telebabad.

Tingnan ang ilang mga larawang kuha sa set ng Bolera kasama sina Efren Reyes, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, at Johann Chua sa gallery na ito: