GMA Logo EJ Obiena and Caroline Joyeux
Source: caro_joyeux (Instagram)
What's on TV

EJ Obiena, handa na bang mag-propose sa kaniyang GF na si Caroline Joyeux?

By Jimboy Napoles
Published September 6, 2024 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

EJ Obiena and Caroline Joyeux


Bibisita sa Pilipinas ngayong buwan ang girlfriend ni EJ Obiena na si Caroline Joyeux. May magaganap nga bang wedding proposal?

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang Pinoy Pride at Asia's best and World No. 3 pole vaulter na si EJ Obiena.

Bukod sa kaniyang matagumpay na career bilang atleta, nagtanong din ang King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa love life ni EJ.

Kuwento ni EJ, siya ay in a relationship sa German athlete na si Caroline Joyeux. Nagkakilala sina isang training camp noon sa Italy at naging magkasintahan sila simula 2020.

Dahil bibisita si Caroline sa Pilipinas para kay EJ, tinanong ni Boy kung may proposal bang gagawin si EJ para sa nobya.

Pero sagot ni EJ, “Wala pa po.”

Paglilinaw niya, “I think we're still young, and we're figuring things out.”

Dagdag pa niya, “I think we're very serious naman po. It's a very serious relationship. She's really amazing and she makes me wanna be a better person.”

Samantala, tinanong din ni Boy si EJ, tungkol sa dumarami niyang fans lalo na ang ibang mga taong tinatawag siyang “pogi.”

“EJ, ilang beses kang nasabihang 'pogi,' ngayon?” tanong ni Boy.

“Medyo marami,” nahihiya pero nakangiting sagot ng binatang atleta.

Ayon kay EJ, hindi siya sanay na matawag ng ganito dahil sa katunayan ay may mga nanlalait sa kaniya noon.

“Hindi ako nasanay. I don't even know how to feel. It's a bit odd.

“May kaklase ako before, sabi niya, ''Yung parents mo, they don't look... hindi naman pangit, bakit ang pangit mo?' Like, it's weird for me to be honest po,” natatawang sinabi ni EJ.

Pero para sa Pinoy Pole Vaulter, ang kaniyang girlfriend na si Caroline ang pinaka-sexy na babae.

Nakamit ni EJ ang ikaapat na puwesto sa Men's Pole Vault ng 2024 Paris Olympics, malaki ang itinalon ni EJ mula sa 11th ranking noong 2020 Tokyo Olympics.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4PM sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Filipino athletes who will compete at the 2024 Paris Olympics