GMA Logo Ejay Falcon and Beauty Gonzalez
Source: ejaythefalcon, beauty gonzalez (Instagram)
What's on TV

Ejay Falcon, game sa kissing scene kasama si Beauty Gonzalez

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2024 10:20 AM PHT
Updated February 6, 2024 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman arrested for ‘abduction’ of fellow street dweller's toddler in QC
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ejay Falcon and Beauty Gonzalez


Payag kaya si Ejay Falcon sa kissing scene kasama si Beauty Gonzalez?

Napapanood ngayon ang hunk actor at politician na si Ejay Falcon sa season 2 ng action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kung saan bida sina Senator Bong Revilla Jr. at aktres na si Beauty Gonzalez. Ito ang unang proyekto ni Ejay sa GMA Network.

Ngayong Lunes, February 5, first time na bumisita ni Ejay sa GMA nang mag-guest siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Sa kanyang interview, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda si Ejay tungkol sa kanyang co-star sa serye na si Beauty.

“May tanong ako. Halimbawa, ang isang kaibigan na matalik, katulad ni Beauty Gonzalez. When you guys are required na maghalikan, how difficult is that?” tanong ni Boy kay Ejay.

“Hindi naman,” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya, “Parang mas madali nga, kasi for example, nagkukwentuhan kami. Kahit sa blocking, nagkukwentuhan pa rin kami, tapos mag-ki-kiss lang”

“I mean, how, how is it? Walang ilang?” tanong pa ni Boy.

“Wala, walang ilang,” tugon ni Ejay.

“A, okay. That's an actor,” saad naman ni Boy.

Paliwanag pa ni Ejay, “Yes po. Talagang 'pag sinabing 'Action!' in character ka na, e."

Ayon pa sa aktor, “Feeling ko mas mahirap nga 'yun 'pag ex, 'pag hindi kayo magkakilala? 'Pag hindi kayo magkakilala or may past kayo. Yes po. Medyo, feeling ko dun medyo nagkakaroon ng ilangan kasi syempre…"

“So, kanino ka nahirapan magkaroon ng kissing scene? Kanino ka may past?” birong tanong ni Boy sa aktor.

“Tito Boy, ito 'yung singsing ko,” natatawang sinabi ni Ejay.

Dahil dito, agad na nagtanong si Boy tungkol sa misis ni Ejay na si Jana Roxas. Aniya, “Gaano katinik ang iyong maybahay?”

“Wow. Parang nakaka-relate ako dun sa role ni Senator Bong, a,” ani Ejay.

Kuwento naman niya, “Hindi, matinik. Pero ano naman po, lagi naman siyang… I mean, nagkataon kasi na halos lagi siyang nasa tama.”

Paliwanag niya, “Parang sa aming dalawa kasi, kasi syempre, Tito Boy, siya 'yung bumabalanse sa 'kin, e. Ang dami kong ginagawa ngayon. 'Di ba, isipin mo, alam n'yo naman po na vice governor ako, and then, nag-aartista din. Tapos sinasabayan ko pa ng pag-aaral. So, ang dami kong ginagawa ngayon.”

Paglalahad pa ni Ejay, “'Pag umuuwi ako ng bahay, siyempre, may mga times na, hindi maiwasan, e. Wala ka sa mood, pagod na pagod ka, ta's may mga decisions ka na nagiging impulsive ka.

“So, s'ya naman 'yung Bumabalanse na, 'Uy, hindi. Hindi, hindi ganyan.'”

“Ito ay mga bulong-bulungan lang naman. Pero diretsahang tanong, Under? under ka?” ani Boy kay Ejay.

“Under, e, hindi naman, hindi. Hindi, Tito Boy. Hindi po,” nakangiting sagot ni Ejay.

Unang nakilala si Ejay nang manalo siya bilang grand winner sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Bukod sa pagiging artista, kasalukuyan ding naglilingkod bilang Vice Governor ng Oriental Mindoro si Ejay.

Samantala, subaybayan naman si Ejay sa second season ng action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.