GMA Logo Ejay Falcon
Source: ejaythefalcon (Instagram)
What's on TV

Ejay Falcon, nahusgahan; nakatanggap ng indecent proposal noon

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2024 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Ejay Falcon


Ejay Falcon sa pagkakaroon ng indecent proposal: “Punong-puno ako ng judgement."

Inamin ng hunk actor at politician na si Ejay Falcon na minsan na siyang nakatanggap ng indecent proposal dahil sa kanyang estado noon.

Ngayong Lunes, February 5, first time na bumisita ni Ejay sa GMA Network nang mag-guest siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Sa panayam kay Ejay ng batikang TV host na si Boy Abunda, binalikan ng aktor ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Ayon kay Ejay, malaking adjustment para sa katulad niyang probinsyano at laki sa hirap ang makipagsabayan noon sa mga matagal nang artista.

Dahil sa kanyang imahe na pagiging mahirap, inamin ni Ejay na nakatanggap siya noon ng mga indecent proposal.

“Did you get indecent proposals?” tanong ni Boy kay Ejay.

“Opo. Actually, hindi lang naman sa akin. I mean, marami rin,” sagot naman ng aktor.

Kuwento ni Ejay, “Kasi ang hirap kasi, Tito Boy, nung panahon na 'yon kasi... punong-puno ako ng judgement. Kasi, for example, si Ejay Falcon, nakikita ng tao mahirap. So parang, iisipin nila, 'Ito 'pag in-offer-an, kakagatin 'to.' Kasi mahirap nga ako e.'”

Aminado si Ejay na talagang nahusgahan ang kanyang pagkatao dahil sa pagiging mahirap nila noon.

Aniya, “Ganun 'yung nangyayari. So, pati 'yung, pati 'yung pinagdaanan ko sa buhay na mahirap ako, nahuhusgahan ako, na parang… 'O, 'yan mahirap 'yan. Baka walang pambiling ano 'yan, baka pwedeng [bigyan ng indecent proposal].' Alam mo 'yung ganun?”

“Pasintabi naman po sa may mga kaya sa buhay na, na mga nakasabayan ko din, parang ang hirap nilang husgahan."

“So, nasa akin talaga. So, 'pag tinanong ako, at sinabi ko 'yung totoo na, 'Wala po, wala talagang ganyan.' Hindi na maniniwala, kasi nga, 'Whoo! Mahirap ka lang!' ani Ejay.

Dagdag pa niya, “Ang hirap, ang bigat. Ang hirap talaga, Tito Boy.”

Unang nakilala si Ejay nang manalo siya bilang grand winner sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Bukod sa pagiging artista, kasalukuyan ding naglilingkod bilang Vice Governor ng Oriental Mindoro si Ejay.

Samantala, napapanood naman ngayon si Ejay sa second season ng action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.