GMA Logo Crystal Paras, Radson Flores
What's on TV

Eksena nina Crystal Paras at Radson Flores sa 'Tadhana,' may 3.1M views online!

By Dianne Mariano
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated July 14, 2024 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Crystal Paras, Radson Flores


Mayroong three million views ang eksena ng muling pagkikita ni Jenna (Crystal Paras) at ng kanyang Japanese boss (Radson Flores) sa 'Tadhana: Masked Dancer.'

May mahigit three million views na online ang eksena nina Sparkle stars Crystal Paras at Radson Flores sa Tadhana: Masked Dancer.

Sa Facebook page ng GMA Public Affairs, mapapanood ang eksena kung saan muling nakita ni Jenna (Crystal Paras) ang kanyang Japanese boss (Radson Flores) sa isang bar na pinagtatrabahuhan niya sa Pilipinas.

Bago ito, matatandaan na nasunog ang bahagi ng mukha ni Jenna dahil sa isang aksidente sa mismong kainan sa Japan, kung saan siya noon nagtatrabaho.

Matapos ang aksidenteng ito at paalisin sa bahay na naipundar niya sa Pilipinas, namasukan siyang bilang masked dancer sa isang bar.

Subaybayan ang Tadhana tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GMA-7 at via livestream sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube accounts.