
Marami ang kinilig at nagulat sa kiss nina Kokoy de Santos at Robb Guinto sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Sa episode noong Biyernes, May 9, pinagbigyan na ni Honey si Kulot at binigyan ito ng isang mabilis na halik.
Dahil sa eksenang ito, hindi naitago ng mga manonood ng Mga Batang Riles ang kanilang kilig.
May mapupuntahan kaya ang pagtitinginan nina Kulot at Honey?
Patuloy na panoorin ang paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.