
Sa kabila ng maaksiyong bakbakan na napapanood sa full action series na Black Rider, puno naman ng tawanan at biruan ang cast at crew nito sa likod ng camera.
Isang di malilimutang blooper ang nangyari sa pagitan ng lead star nitong si primetime action hero Ruru Madrid at co-stars niyang sina Yassi Pressman, Jayson Gainza, at Shanti Dope.
Habang nag-uusap kasi ang mga karakter nina Ruru at Yassi na sina Elias at Bane, darating naman ang mga karakter nina Jayson at Shanti na sina Estong at Buboy.
Napalakas ang boses ni Jayson sa pagpasok niya sa eksena kaya napanganga si Ruru habang halos tumalon si Yassi dahil sa pagkagulat nila.
Sa susunod naman na take ng eksena, maayos na ang boses ni Jayson pero nabulol naman si Shanti at hindi mabigkas ang salitang "emergency."
Nauwi sa tawanan ang eksena at pagkatapos nito ay kinantiyawan pa nila si Shanti na isang rapper.
Panoorin ang bloopers nila pati na ang ilang pang behind-the-scenes footage mula sa set ng Black Rider sa video sa itaas.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.