What's on TV

Elias at buong Palangga, target ng mga nag-aaklas na alakdan sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published March 8, 2024 8:50 PM PHT
Updated March 11, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Ubusang Lahi


Ubusang lahi na ngayong si Elias at buong Palangga ang target ng mga nag-aaklas na alakdan sa 'Black Rider.'

May bagong panganib sa buhay ni Elias (Ruru Madrid) at ng mga mahal niya sa buhay sa full action series na Black Rider.

Alam na ng iba pang matataas na miyembero ng Golden Scorpion ang ugnayan ng lider nilang si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) at ni Elias bilang si Black Rider.

Pigilan man sila ni Señor, mag-aaklas ang tinaguriang paa ng alakdan na sina Diablo (Paolo Paraiso), Tirador (Leandro Baldemor), Matador (Gerald Madrid), Palong (Lander Vera-Perez), at Boka (DJ Durano).

Sila na mismo ang susugod sa Brgy. Palangga para patayin si Elias at ang lahat ng mahal niya sa buhay.

Nalalapit na ba ang isa na namang malaki at madugong masaker? Maililigtas ba ni Black Rider ang buong Palangga?

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.