GMA Logo elias j tv on sanggre
Photo by: Screenshot from 24 Oras
What's Hot

Elias J TV, proud sa unang acting stint sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published March 14, 2026 3:50 PM PHT
Updated March 14, 2026 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ridon wants VP Sara to explain P50-M ‘wealth gap’
International coffee chain to offer Harry Potter-themed drinks and merch
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

elias j tv on sanggre


Elias J TV: "Proud pa rin ako at dinadala ko rin 'yung lenggwahe namin galing ng Mindanao."

Mapapanood sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang reggae artist at sikat na social media personality na si Elias Gabonada Lintucan Jr. o mas kilala bilang Elias J TV, na tubong North Cotabato.

Ayon kay Elias, hindi niya inaasahan na maiimbitahan siya na mag-guest sa hit fantaserye at makakapasok sa mundo ng Encantadia. Kaya naman sobrang proud siya sa sarili at sa kanyang lenggwahe na dala-dala niya sa bagong karakter ng Sang'gre na si Elias.

"Hindi ko inaasahan na mag-guesting ako rito. Kaya ngayon proud na proud po ako sa sarili ko at naimbitahan ako nila. Proud pa rin ako at dinadala ko rin 'yung lenggwahe namin galing ng Mindanao," masayang sabi ni Elias sa interview ni Athena Imperial ng 24 Oras.

Dagdag pa ni Elias, ito ang kanyang first acting project kaya naman memorable ang experience.

"Habang tumatagal nasasanay na rin. Okay lang naman 'yung pagsalita ng Tagalog. 'Yung expression lang ng mukha kung paano gagawin," natatawang sabi niya. "Tinutulungan nila ako para maitawid lang din."

Related gallery: Elias J TV, talks about fame and how he handles it

Sa pasilip sa behind-the-scenes ng kanyang eksena, makikita ang cast at crew ng Sang'gre napapaindak dahil sa nakakaaliw niyang pagganap.

Kuwento ni Jon Lucas, "Working with Elias ngayon na natutuwa ako, syempre. Na-excite ako na makita siya at makasama kasi sa totoo lang kahit ako mahilig tayo sa social media ngayon so nakikita natin 'yung mga clips niya, 'yung mga videos."

Humanga rin si Prince Clemente sa unang acting stint ni Elias, sabi niya, "For a first time na mag-act sa isang teleserye, magaling siya kasi 'yung lines na-memorize niya lahat. 'Yung emotions nandoon."

Panoorin ang buong interview ni Elias J TV sa 24 Oras dito: