GMA Logo Elias J TV
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Elias J TV, unti-unti nang natutupad ang pangarap para sa pamilya

By Kristian Eric Javier
Published January 24, 2026 12:45 PM PHT
Updated January 24, 2026 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

7 dead, 82 missing in Indonesian landslide, disaster agency says
The Long Game: Anthony and Donny Pangilinan on Fatherhood, Fame, and the Value of Time
NCAA S101 women's volleyball officially begins

Article Inside Page


Showbiz News

Elias J TV


Masaya si Elias J TV sa pagtupad niya ng kaniyang mga pangarap para sa magulang at pamilya.

Unti-unti na umanong natutupad ng pinakabagong reggae sensation na si Elias J TV ang mga pangarap niya para sa sarili at lalong-lalo na para sa kaniyang mga magulang.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, ibinahagi ni Elias na hindi man siya mayaman ngayon, masasabi niyang may pera na siya.

“Siguro sa ngayon Tito Boy, hindi pa naman siguro mayaman. May pera lang, pero hindi 'yung mayaman. May kaya lang siguro,” sabi ni Elias.

Dahil sa tinatamasang kasikatan ngayon at sa naipon na pera mula sa pagkanta at pagsayaw, dahan-dahn na umanong natutupad ni Elias ang kaniyang mga pangarap para sa mga magulang, sa asawa at manager na si Abegail Cariquitan, at sa anak na si Apollo.

“'Yung pangarap ko para sa magulang ko, siguro natupad ko na 'yung napauwi ko na 'yung nanay ko galing abroad, galing Bahrain, napauwi ko na. Tapos 'yung papa ko, hindi ko na masyado pinapatrabaho,” pagbabahagi ni Elias.

Kuwento ni Elias, binilinan niya ang ama na 'wag nang magtrabaho at gawin na lang ang kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay.

“Masaya ako ngayon makita 'yung papa ko kasi tumaba na 'yung papa ko, e. Atsaka 'yung mama ko, tumaba na. Atsaka sabi ko sa kaniya, 'Kung ano man 'yung gusto mo, sabihan mo lang ako, ibibigay ko sa 'yo 'yung gusto mo,'” sabi ni Elias.

Kasabay nito, napatayuan na rin ni Elias ng kanilang sariling bahay ang kaniyang mga magulang.

Ayon sa kanya, maganda rin ang buhay ngayon nina Abegail at Apollo.

“Si Apollo atsaka si Abegail, nandu'n pa rin sa bahay sa ngayon atsaka meron din akong plano, pero siguro sa akin na lang 'yun,” saad pa niya.

Masaya rin ang pagsasama nila ngayon ni Abegail at mas naiintindihan na nito ang kaniyang trabaho. Kuwento ng singer, kung noon ay nagagalit si Abegail tuwing ginagabi siya ng uwi o may fans na lumalapit at humahalik sa kaniya, mas naiintindihan na nito ang trabaho niya ngayon.

Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa pagpapakasal kay Abegail, sabi ni Elias, “Siguro darating ang panahon na ganu'n ang mangyayari.”

Pero sa ngayon, hindi pa nila umano napag-uusapan.

Panoorin ang panayam kay Elias dito:

ALAMIN ANG 2026 GOALS NG ILANG CELEBRITIES NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO: