
Isang touching Christmas story ang hatid ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Bibida si young Kapuso actress Elijah Alejo at si Francis Mata sa episode na pinamagatang "Ang Pasko Ni Santi."
Si Elijah ay si Yohanne, isang dalagita na bibisita sa kanyang lolo for the first time.
Pero imbis na maging masaya ang kanilang first meeting, ikagugulat niya na sobrang sungit at tila may galit sa mundo ang kanyang lolo na si Santi--karakter ni Francis.
Gayunpaman, sisikapin ni Yohanne na magdala ng Christmas cheer sa bahay ni Santi kahit pa tutol dito ang matanda.
Mabibigyan ba ni Yohanne ng masayang Pasko ang kanyang lolo Santi? Magbabago rin kaya niya ang ugali nito?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang episode na "Ang Pasko Ni Santi," December 29, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.