Article Inside Page
Showbiz News
Nakasama nina Elijah Alejo at Vince Crisostomo ang kanilang supporters sa 'Quiz Beh!'
Sa last episode ng Quiz Beh, nakasama ni Betong Sumaya ang cast ng Prima Donnas na sina Elijah Alejo at Vince Crisostomo.
Sa tapatan nitong November 6, nakatambal nina Elijah at Vince ang kanilang mga fans na sina Euler at Liza.
Photo source: Quiz Beh
Bago pa man sila magsimula, nagpahayag na ang
Prima Donnas stars ng kanilang pasasalamat sa suportang natatanggap nila sa kanilang fans.
Ibinahagi ni
Elijah na nagpapasalamat siya sa friendship nila ni Euler.
"Thank you sa pagsuporta mo sa akin for three years. Sa mga kulitan, sa mga asaran natin, at sa iba pang mga bagay."
Dugtong pa ni Elijah, "Thank you rin dahil kahit may gagawin ka ay nandito ka pa rin sa
Quiz Beh!"
Si
Vince naman ay nagkuwento na natutuwa umano siya dahil sa simpleng interaction lang ay nakakapagpasaya siya ng kanyang fans.
"Sobrang saya, Kuya Betong. Ang gaan sa pakiramdam kasi para sa akin every time na may interaction ako with my fans, hindi ko alam na ganito lang nagagawa ko pero napapasaya ko na 'yung ibang tao. Kaya sobrang grateful po ako."
Panoorin ang naging tapatan nina Elijah at Vince kasama ang kanilang mga fans sa
Quiz Beh!
Quiz Beh: Vince Crisostomo, kinabahan sa kanyang ka-partner!
Quiz Beh: Elijah Alejo, nahirapang sagutin ang tanong sa round 2!