
Maraming netizens ang gigil na gigil sa mga bida-kontrabida role nina Elijah Alejo bilang Brianna sa Prima Donnas,' Claire Castro bilang Cielo sa Nagbabagang Luha, at Faith Da Silva bilang si Scarlet sa Las Hermanas.
Kwento ng Kapuso actresses sa Unang Hirit, hindi nila maiwasang hindi makita at mabasa ang hate messages tungkol sa kanila online.
Ayon kay Elijah, may ilang naging personal daw ang atake sa kaniya ng mga tao na idinadaan pa sa panlalait.
Kwento niya, "Ako naman po, lalo na nung nagsisimula po yung Prima Donnas, grabe po yung pamba-bash sa akin 'nun--lalo na po sa teeth ko, kasi po medyo yellow po yung teeth ko back then.
"Lagi po nilang bina-bash sa akin yun na "ano ba 'yan bakit 'yan yung napil nilang Brianna, tignan nyo naman yung ngipin niya napaka-yellow hindi ba nagtu-toothbrush 'yan?'"
Bago pa man daw ang trending scenes niya bilang si Cielo sa katatapos lang na Nagbabagang Luha, marami na raw natatanggap na hate messages si Claire. Pero napansin niya na ang kaniyang bashers ay matapang lang online.
"Sobrang dami pong hate messages nung pinapalabas yung show [Nagbabagang Luha]. May nalaman po ako na hater sa social media, 'tapos sa personal nung nakilala ko, parang nag-warm up po sa akin pero nalaman ko pong hater ko pala sila," natatawang sinabi ng aktres.
Hindi naman daw naranasan ni Faith na atakin sa personal ng kaniyang mga haters, pero aminadong marami ring naiinis sa kaniya sa mga roles na kaniyang ginagampanan.
"Siguro po mga messages and comments pero hindi naman po umabot sa point na in person ay may mang-aatake sa akin. I think, naiintindihan naman nila na role lang po yung ginagawa namin," ani Faith.
Samantala, may patikim naman si Elijah sa magiging karkater niya bilang si Brianna sa season 2 ng Prima Donnas.
"Kung gaano po kasama ang ugali ko noong season 1, ngayon ay doble po, talaga pong grabe ako ngayong season 2. Ako po mismo, naiinis din po ako kay Brianna ganun naman pong level," pagbabahagi ng young actress.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang listahan ng mga kapuso stars na gumanap bilang bida-kontrabida sa isang serye: