What's on TV

Elijah Alejo, gaganap bilang batang ina sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published May 12, 2022 4:37 PM PHT
Updated May 12, 2022 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Bibigyang-buhay ni Elijah Alejo ang kuwento ng isang teenage mother sa fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Isang kuwento tungkol sa teenage pregnancy ang mapapanood sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.

Bibida sa episode na ito ang young Kapuso actress at Prima Donnas star na si Elijah Alejo.

Gaganap siya bilang Abby, isang dalagita na lalaking malayo ang loob sa ina. Dahil dito, kulang siya sa gabay at maagang magbubuntis.

Sa kasamaang palad, tatakbuhan siya ng ama ng kanyang anak.

Mag-aalok naman ng suporta ang nanay ni Abby na si Joan bilang pambawi sa anak. Tanggapin kaya ni Abby ang tulong ng kanyang estranged mother?

Makakasama ni Elijah sa episode si Lara Quigaman na gaganap bilang nanay niyang si Joan. Bahagi rin ng episode ng mga young Kapuso actors na sina Vince Crisostomo at Jeff Moses.

Abangan ang natatanging pagganap ni Elijah Alejo sa fresh and brand new episode na "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," May 14, 8:15 p.m. sa #MPK.