GMA Logo Elijah Alejo, Snooky Serna
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Elijah Alejo, kinabahan nang malamang gagampanan ang role noon ni Snooky Serna sa 'Underage'

By Dianne Mariano
Published February 21, 2023 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo, Snooky Serna


Binibigyang buhay ni Sparkle actress Elijah Alejo ang role bilang Chynna, ang bunso sa Serrano sisters, sa 'Underage.'

Napapanood ngayon ang Sparkle actress na si Elijah Alejo bilang si Chynna Serrano sa GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan din nina Lexi Gonzales at Hailey Mendes.

Ang karakter ng teen star sa nasabing serye ay ang ginampanan noon ng kanyang Underage co-star na si veteran actress Snooky Serna, na bahagi ng original cast ng '80s film na Underage kasama sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Elijah, inamin niyang nakaramdam siya ng kaba nang malamang gagampanan niya ang naging role ng batikang aktres noon.

“When I first knew that kasama ko siya here sa Underage and they told me na 'yung character dati ni Tita Snooky is my character now dito sa adaptation, I was really nervous po like, 'Hala. Can I pull it off ba like how Tita Snooky pulled it off doon sa original [film]?' Kumbaga po, mayroon po akong ino-overthink na gano'n,” pagbabahagi niya.

Kuwento pa ni Elijah na nang makatrabaho niya si Snooky ay marami silang natutunan ng kanyang co-stars mula sa beteranang aktres.

Aniya, “When I worked with her po, she's so humble, down to earth. She's so wise na marami po siyang kinukuwento and marami po siyang [pieces of] advice para po sa amin nina Lexi. Kumbaga dito po talaga sa showbiz, you have to love what you're doing and kailangan po mabait ka po sa lahat, marunong kang makisama.”

Samantala, matatandaang matapos sumalang ni Lexi Gonzales sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda noong Enero ay nabigyan siya ng oportunidad para makilala sa personal si Dina Bonnevie, na gumanap bilang Celina sa film na Underage.

Gumaganap naman ang StarStruck alumnus bilang ang panganay na si Celine sa modern take ng serye sa GMA-7.

Subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: