GMA Logo Tadhana: Teen Mama
What's on TV

Elijah Alejo, magiging dalagang ina sa 'Tadhana: Teen Mama'

By Bianca Geli
Published April 26, 2024 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana: Teen Mama


Isang matalinong estudyante ang biglang mabubuntis, sino kaya ang ama?

Sa Tadhana: Teen Mama, iisa lang ang hiling ni Minerva sa kanyang anak -- makapagtapos ng pag-aaral at hindi maging batang ina tulad niya. Lingid naman sa kaalaman ni Minerva (Bianca Manalo) na nakararanas pala ng pambu-bully ang kanyang anak na si Sheena (Elijah Alejo) sa kanilang paaralan. Ang naging takbuhan ni Sheena sa tuwing sinasaktan siya sa paaralan -- si Kuya Obet (Bruce Roeland). Pero ang pagiging “kuya” ni Obet, mauuwi sa isang pagkakamali.

Abangan ang natatanging pagganap nina Elijah Alejo, Bianca Manalo, Luke Conde, Bruce Roeland, Hailey Mendes, Sheila Marie Rodriguez, Eva Borja, Mark Oliveros, at Atasha Eve Franco.

Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kwento ng Tadhana: Teen Mama ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.