
Magkakasama sina Kapuso actress Elijah Alejo at Singaporean star Raynold Tan sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "My Crazy Yandao," gaganap si Elijah bilang Jasmine, isang dalagitang tahimik na namumuhay sa probinsiya.
Si Raynold naman ay si Shaun, isang Singaporean na biglang bibisita kay Jasmine sa pag-aakalang ito ang babaeng nakilala niya online.
Laking gulat nilang dalawa nang malamang ginamit lang pala ng isang scammer ang pictures at address ni Jasmine para lokohin si Shaun.
Ang "yandao" ay Singaporean slang para sa isang guwapong lalaki. Ano ang mangyayari sa yandao na si Shaun ngayong nawala lahat ng kanyang gamit, kasama na ang kanyang passport?
Ito na ba ang chance niya para makilala ang tunay na Jasmine?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Crazy Yandao," September 29, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.