
Full support ang Sparkle actress na si Elijah Alejo para sa kanyang Cruz vs. Cruz co-star na si Caprice Cayetano, na kasalukuyang nasa loob ng iconic na Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa video na inupload ng GMA Network sa social media, nagbigay ng special message si Elijah para sa kanyang kapwa Sparkle artist. Ayon sa aktres, labis ang kanyang tuwa na nakikilala ng mga manonood ang tunay na Caprice.
"Hi, Cap! It's me, your Ate Elijah and I miss you, and ang galing mo sa loob, task slayer ka. And super natutuwa ako na nakikilala ka ng mga tao bilang ikaw, hindi kung ano'ng character ang pine-play mo and pagbutihin mo pa sa loob [ng Bahay ni Kuya]. I love you, Cap!" ani Elijah.
Kasalukuyang napapanood si Elijah Alejo bilang Coleen sa hit family drama na Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime, habang si Caprice Cayetano ay isa sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Gumanap naman si Caprice Cayetano sa naturang afternoon drama series bilang Jessica.
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day