GMA Logo Elijah Alejo Nikki Co
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Elijah Alejo, nakatulong ang pagiging komportable nila ni Nikki Co sa isa't isa para magawa ang mabibigat nilang eksena

By Dianne Mariano
Published February 22, 2023 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo Nikki Co


Kumusta ang karanasan ni Sparkle actress Elijah Alejo na makatrabaho ang kapwa Kapuso star na si Nikki Co sa 'Underage?'

Napanood sa GMA Afternoon Prime series na Underage ang mabibigat na eksena sa pagitan ng mga karakter nina Sparkle stars Elijah Alejo at Nikki Co na sina Chynna Serrano at Leo Guerrero.

Sa panayam ng GMNetwork.com kay Elijah, ibinahagi ng teen actress na nakatulong ang pagiging komportable nila ni Nikki sa isa't isa para magawa ang kanilang mabibigat na eksena.

“Nakatulong po talaga 'yung pagiging comfy namin ni Nikki sa isa't isa. When we first met kasi parang nagkakahiyaan pa siyempre. But then noong nag-lock-in [taping] po kami, nagka-usap po, nagku-kuwentuhan, nagba-bonding, so na-build po namin 'yung bond. And lagi po kaming nagku-kuwentuhan kapag wala kaming ginagawa. So that really helped po para magawa namin 'yung heavy scenes namin together,” pagbabahagi niya.

Kuwento pa ng 18-year-old star, nagso-sorry din sila sa isa't isa ng aktor sa tuwing nasasaktan nila ang bawat isa nang hindi intensyonal.

Aniya, “After the take po, alam naman po namin na hindi po totoo 'yung mga nasa eksena and kapag nasaktan namin 'yung isa't isa magso-sorry po agad kami kasi hindi naman din po namin talaga intention na masaktan 'yung isa't isa.”

Sa likod ng kanilang TV characters, makikita sa social media ang pagiging magkaibigan nina Elijah at Nikki sa tunay na buhay. Katunayan, umaabot ng million views ang kanilang TikTok videos nang magkasama.

@elijahalejo04 sayaw lang kami habang nasestress kayo #elijahalejo #fyp #foryoupage #dance #UnderageGMA ♬ original sound - langston
@elijahalejo04 Tiktok muna kami ni Leo #UnderageGMA #elijahalejo #fyp #foryoupage #fypage #dance ♬ sonido original - Duma

Subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.