GMA Logo elijah alejo and miggs cuaderno
What's Hot

Elijah Alejo, napagalitan noon ni Zoren Legaspi sa 'Shake, Rattle, and Roll'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 13, 2020 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

elijah alejo and miggs cuaderno


Parte si Elijah Alejo ng 'Shake, Rattle, and Roll XII,' kung saan isa sa mga direktor ang aktor na si Zoren Legaspi.

Ibinahagi ng teen star na si Elijah Alejo kung paano siya pinagsabihan noong anim na taong gulang pa lamang siya sa taping ng Shake, Rattle, and Roll XII, kung saan si Zoren Legaspi ang kanyang direktor.

Sa vlog ng Prima Donnas co-actor ni Elijah na si Miggs Cuaderno, naglaro sila ng "Sagot o Lagot," kung saan isa sa mga tanong ni Miggs ay kung napagalitan na si Elijah ng isang direktor.

“Direk Zoren Legaspi, siyempre, bata pa ako non, e. 'Yung scene, nakakatakot, hinahabol kami nung doll, si Mamanika, natatakot ako,” kuwento ni Elijah.

“Rehearsal, nung bina-block kami, kasi dapat madadapa ako tapos mapapaluhod ako, hindi ako makaluhod kasi nakikita ko 'yung doll na nandun, e, na nakakatakot talaga para sa age ko, ha.

“Tapos sabi ni Direk, 'Ano ba Elijah? Kaibigan mo 'yan. Si Kenjie yan, hindi mo ba namumukhaan?'

“Takot na tako ako nung time na 'yun.”

Dagdag pa ni Elijah, para hindi na siya matakot, pinapanood siya ni Zoren habang naglalagay ng make-up ang kanyang kaibigan.

Elijah Alejo in Shake Rattle and Roll XII Mamanyiika

Kabilang si Elijah Alejo sa istorya na 'Mamanyiika' ng 'Shake, Rattle, and Roll XII.' Source: Regal Entertainment Inc. (YouTube)

Naikwento rin ni Elijah ang kanyang experience sa direktor naman ng Prima Donnas na si Gina Alajar. Ano kaya ito?

Panoorin ang "Sagot o Lagot" nina Elijah at Migs: