
Nakatanggap ng sorpresa si Elijah Alejo mula sa kanyang MAKA LOVESTREAM family sa pagdiriwang ng kanyang 21st birthday.
Sa Facebook page ng MAKA LOVESTREAM, ipinakita ang mga cake na natanggap ni Elijah mula sa kanyang MAKA family at ang larawan kasama ang kanyang co-stars na sina Zephanie, Shan Vesagas, Chanty, Sean Lucas, Olive May, Bryce Eusebio, May Ann Basa, at Mad Ramos habang nasa set.
Kitang-kita ang saya ni Elijah sa natanggap na sorpresa, na mayroon pang icing sa kanyang mukha.
Kasalukuyang napapanood si Elijah bilang Janine sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Subaybayan si Elijah sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG MGA KARAKTER NA GUMAGANAP SA 'MAKA LOVESTREAM'S PRETTY LITTLE BABY' SA GALLERY NA ITO: