GMA Logo Elisse Joson
Photo by: elissejosonn (IG)
What's Hot

Elisse Joson, hindi pa bukas makipagbalikan kay McCoy de Leon sa ngayon

By Marah Ruiz
Published March 1, 2026 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA Season 101 volleyball finals schedule
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Elisse Joson


Co-parenting set up para sa kanilang anak ang pinagkakaabalahan ngayon nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Ibinahagi ng aktres na si Elisse Joson ang co-parenting set up nila ng ex-partner na si McCoy de Leon para sa four-year-old daughter nilang si Felize.

Sa guesting niya sa podcast na Moment to Moment with Coach Pia, inamin ni Elisse na nangangapa pa sila kung paano nila ito gagawin.

"We're still trying to figure it out because it's also our first time. It hasn't been that long kaya medyo ngayon po, hindi pa rin namin alam how to maneuver around. But we're trying to find ways that would work for us," pahayag niya.

Sinisikap daw nilang ipaliwanag ang sitwasyon sa anak. Mahalaga rin daw iparamdam dito na mayroon pa rin siyang pamilya kahit hindi magkasama sa bahay ang mga ito.

"For example, now that we have two homes, two separate homes, as much as possible, we try to explain it to Felize. But a four-year-old can only understand so much. Ang importante po kasi, we show her that we're present pa rin in her life and that she's not the reason why we're apart and it doesn't mean na wala 'yung family niya," paliwanag ni Elisse.

Binalikan din niya ang panahon na tumawag sa kanila ang paaralan ni Felize dahil tila naging kakaiba ang ikinikilos nito.

Dito daw nila napagdesisyunan ni McCoy na i-set aside ang kanilang differences at mag-communicate nang mas maayos para sa anak.

"Kami po ni McCoy okay naman, nag-uusap naman po kami. When it comes to Felize, we try our best. Actually, when we separated kasi hindi rin naging okay. It was mutual pero mahirap 'yung nangyari," paggunita niya.

Pero bukas man daw ang komunikasyon nilang dalawa, hindi raw ito nangangahulugan na bukas din siya na muling bigyan ng pagkakataon ang kanilang relationship.

"I think, right now, our focus is really on Felize and keeping the peace and harmony. Kasi may mga times po na, wala, kahit anong try n'yo to fix your differences, hindi po nagwo-work eh. So let's leave it like that and focus on what matters," lahad ni Elisse.

Nagkakilala sina Elisse at McCoy noong 2016 bilang housemates sa Pinoy Big Brother.

Ilang beses din nag-break at nagkabalikan ang dalawa bago dumating ang anak nilang si Felize noong 2021.

Noong July ng nakaraang taon, ibinalita nina Elisse at McCoy ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CELEBRITY EXES NA NANATILING MAGKAIBIGAN PARA SA KANILANG MGA ANAK :