
Isa ang Star Magic artist na si Eliza Borromeo sa official housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Bago siya ipinakilala bilang isa sa bagong miyembro ng pamilya ni Big Brother, na-interview ng GMANetwork.com si Eliza.
Dito ay seryoso niyang inilahad kung ano ang gusto niyang matutuhan at ma-experience sa Bahay Ni Kuya.
Ayon sa kanya, “Hindi po ako active sa ibang mga bagay, taong bahay po kasi ako, ginagawa ko po sa bahay namin ay nood, cellphone, higa. Gusto ko pong matutuhan na makipag-socialize po.”
“Dahil ayun nga po taong bahay po ako hindi ko po gaanong alam… na ayun po makipag-usap pa sa mga ibang tao,” dagdag pa niya.
Tila mahalaga kay Eliza na matutuhan niya ang pagkakaroon ng mas malalim na pakikisama lalo na sa housemates niya ngayon sa iconic house.
Siya ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Ang Determinadong Dilag ng Cavite.
Abangan ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YT channel, at IWant tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Ipapalabas din ito sa Kapamilya Online Live weekdays, 10:15 p.m., Sabado, 9:15 p.m., at Linggo, 10:05 ng gabi.
Related gallery: 'Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'