
Isang challenge ang sabay na pinagdaanan at pinaglabanan ng Kapamilya wildcard housemates na sina Eliza Borromeo at Rave Victoria sa nakaraang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa unang parte ay naging dikit ang kanilang laban hanggang sa naunang matapos si Eliza sa pagbabalanse ng blocks at pagbuo ng word mula sa magkakahalong letters.
Ang salitang nabuo niya sa challenge na ito ay second chance.
Naipanalo ni Eliza ang naturang challenge, kaya naman siya ang nabigyan ng pagkakataon ni Big Brother na muling makabalik bilang official housemate sa kanyang bahay.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Naging emosyonal si Eliza dahil, ayon sa kanya, deserving din si Rave na muling makabalik sa Bahay Ni Kuya.
Bigo man si Rave na makuha ang spot upang muling maging official housemate, ramdam at hindi maikakaila na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para rito.
Matatandaang si Eliza ang kasabay ni Marco Masa sa pangalawang batch na-evict noon sa Bahay Ni Kuya habang si Rave naman at si Anton Vinzon ang latest evictees.
Ano pa kaya ang susunod na twists at surprises sa teleserye ng totoong buhay?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream