GMA Logo elizabeth oropesa
What's on TV

Elizabeth Oropesa, itinuring na 'best kisser' si 'Da King' Fernando Poe Jr.

By Jimboy Napoles
Published March 27, 2024 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

elizabeth oropesa


Binalikan ni Elizabeth Oropesa ang naging kissing scene niya kina Fernando Poe, Jr. at Alma Moreno.

Pinangalanan ng premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa kung sino sa kanyang mga nakapareha noon ang pinakamagaling humalik.

Sa isang pambihirang pagkakataon, nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda si Elizabeth sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 26.

Dito ay game na game na binalikan ng award-winning actress ang mga dekalibreng pelikula na ginawa niya noon kasama ang mga mahuhusay din na mga aktor.

Gaya ng pelikula ni National Artist for Film Ishmael Bernal na Lumapit, Lumayo Ang Umaga (1975), kung saan unang kinilala si Elizabeth bilang Best Actress sa FAMAS.

Ayon kay Elizabeth, inspired siya noon nang gawin ang pelikula dahil leading man niya rito ang kanyang “greatest love” sa buhay na si Dante Rivero.

Aniya, “Number one, I was in love with Dante Rivero. So, I was really super inspired.”

Bukod dito, pinag-usapan din nina Boy at Elizabeth ang 1980 box-office hit movie na Si Malakas, Si Maganda at Si Mahinhin, kung saan unang beses siyang gumanap bilang lesbiyana na si Malakas.

Sa pelikulang ito ay nagkaroon sila ng kissing scene ng dating sexy actress na si Alma Moreno.

“Of course, I remember the kissing scene. My kissing scene with Alma Moreno,” ani Elizabeth.

Kuwento ng batikang aktres, wala siyang masamang tinapay nang tanggapin niya ang role kahit pa naging kontrobersyal ang naging halikan nila noon ng kapwa aktres na si Alma.

Aniya, “It never really bothered me kung ano ang sasabihin ng mga tao. Hindi talaga ako ganun, e. Wala akong… as long as I'm doing my job. And not only that, it was just a kiss. And it was my role. And I knew how to kiss very well even up to now, actually.”

Paglalahad pa ni Elizabeth, “Take one lang iyon. Alam mo nakuha namin ng take one which is very beautiful. If I'm a lesbian, I'd fall in love with Alma. My goodness, lalo na nung kabataan niya, diba?”

Dahil sa usaping kissing scene, tinanong din ni Boy si Elizabeth, “Sa lahat ng naging leading men mo, sino ang pinakamahusay humalik?”

Agad naman na sumagot ang aktres, “Maniwala ka sa hindi, si Kuya Ronnie [Fernando Poe Jr.]. Kita mo ngayon revelation iyan. Ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan [Roces]. Nahiya naman ako baka mapagdudahan.”

Ayon kay Elizabeth, “beautiful, best kisser” si FPJ dahil, “Iyong lips, my god, so soft. Kasi, disente siyang humalik.”

Dagdag pa niya, “Basta napakasarap. Kung siya'y tsokolate, Belgian. Melts in your mouth.”

Nagkasama sina Elizabeth at FPJ sa pelikulang Alupihang Dagat noong 1975.

Samantala, nakuha naman ni Elizabeth ang pagiging Grand Slam Best Actress nang gampanan niya ang mapangahas na papel ni Azon sa pelikulang Bulaklak ng Maynila noong 1999 sa direksyon ni Joel Lamangan.

Dahil sa pelikulang ito, kinilala si Elizabeth bilang Best Actress sa lahat ng award-giving bodies sa taon na iyon.

RELATED GALLERY: Elizabeth Oropesa shares memories from some of her iconic films