GMA Logo Elle Villanueva Ashley Ortega Derrick Monasterio
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Elle Villanueva, Ashley Ortega, Derrick Monasterio, nakiisa sa Coco Festival

By Karen Juliane Crucillo
Published January 20, 2026 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anton Vinzon reacts to fan ship with Carmelle Collado
Young students showcase math skills in Mangaldan
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva Ashley Ortega Derrick Monasterio


Nakiisa sa saya at pagdiriwang ng Coco Festival sa San Pablo City, Laguna, sina Elle Villanueva, Ashley Ortega, at Derrick Monasterio.

Mas naging masaya ang selebrasyon ng Coco Festival sa San Pablo City, Laguna dahil nakiisa ang cast ng Apoy sa Dugo na sina Elle Villanueva, Ashley Ortega, at Derrick Monasterio.

Sa report ng GMA Regional TV sa 24 Oras noong Lunes, January 19, nakisaya ang mga Apoy sa Dugo stars sa pista para sa mga San Pableño, na nagpakita ng kanilang pananampalataya, kultura, at pagiging malikhain sa iba't ibang aktibidad.

Hindi nagpahuli ang Kapuso stars lalo na sa food trip, kung saan natikman nila ang sikat na nilupak, sinukmani, kalamay, at kulawo, na talaga namang nagustuhan nila.

Nagbigay din ng saya at kilig sina Elle, Ashley, at Derrick matapos magbigay ng performances.

Nagpasalamat naman ang Apoy sa Dugo stars sa mainit na pagtanggap sa kanila ng San Pablo.

“Grabe! Sobrang taas po ng energy ng mga tao at nakaka-miss rin maki-fiesta,” sabi ni Ashley.

Hindi rin naitago nina Elle at Derrick ang kanilang saya sa nagdaang pista.

“Sobrang saya at sobrang ilang beses na rin kasi ako nakarating ng San Pablo at masasabi ko na parang bago pa rin talaga 'yung pag-welcome nila sa akin,” pahayag ni Derrick.

“Ramdam na ramdam ko 'yung fiesta at saya ng bawat isa [rito]. Maraming salamat po sa pag-imbita sa amin. Happy Coco Festival,” dagdag ni Elle.

Makakasama nina Elle, Ashley, at Derrick sa upcoming series na Apoy sa Dugo sina Thea Tolentino, Pinky Amador at Ricardo Cepeda.

Mapapanood ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.

Panoorin ang buong balita dito:

Samantala, kilalanin dito ang iba pang cast ng Apoy sa Dugo: