GMA Logo Elle Villanueva and Ashley Ortega
Photo source: GMA Network, ashleyortega (IG)
What's on TV

Elle Villanueva at Ashley Ortega, buwis-buhay sa isang eksena sa 'Apoy sa Dugo'?

By Karen Juliane Crucillo
Published March 2, 2026 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jerald Napoles at Kim Molina, ikinasal na
Faithful called to pray amid ongoing tension in Middle East
Double the Joy for Just P95—One-Day Burger Bundle This March 3!

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Ashley Ortega


Nagpakitang gilas sina Elle Villanueva at Ashley Ortega sa isang buwis buhay na eksena sa 'Apoy sa Dugo.'

Ipinakita nina Elle Villanueva at Ashley Ortega ang kanilang dedikasyon sa isang buwis-buhay at nakakatayong-balahibong eksena sa Apoy sa Dugo.

Noong naganap ang media conference ng serye noong February 23, ibinahagi ni Elle ang isang kapanabik-panabik na eksena na ginawa nila ni Ashley.

Mapapanood din ang buwis-buhay na eksena sa isang teaser na inilabas ng serye, kung saan ipinakita ang magaganap na puksaan sa dalawang aktres. Makikita sa teaser na sinindihan ni Ashley si Elle ng apoy habang siya ay nakatali at nakagapos, at may matinding sagutan ang dalawa.

Ikinuwento ni Elle na totoong apoy ang ginamit sa eksenang iyon, kaya mas nadagdagan ang takot factor para sa kanila ni Ashley.

“Nakakatakot 'yun. Rooftop 'yun. Sa taas siya ng mall tapos wala rin siyang railings tapos iniwan na kami dun ni Direk para mag-drone shot,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “So, kaming dalawa lang habang umaapoy. So, parang feel na feel namin 'yung eksena na parang 'Ah, ito na Apoy sa Dugo.'”

Makakasama nina Elle at Ashley sa serye sina Derrick Monasterio, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, at Cai Cortez.

Kabilang din sa cast ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh.

Abangan ang world premiere ng Apoy sa Dugo ngayong Lunes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Elle Villanueva teases upcoming series 'Apoy sa Dugo'