GMA Logo Elle Villanueva and Ashley Ortega
Photo source: Michael Paunlagui
What's on TV

Elle Villanueva at Ashley Ortega, magkapatid na ang turingan?

By Karen Juliane Crucillo
Published February 25, 2026 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

‘PBB Celebrity Collab 2.0’: Krystal Mejes responds to ‘pinakamahina’ label in tasks
Department of Migrant Workers warns public of fake international job offers
Groups stage protest in line with EDSA @ 40 anniversary

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Ashley Ortega


Elle Villanueva kay Ashley Ortega: “Para talaga siyang sister ko.”

Naisabuhay na nina Elle Villanueva at Ashley Ortega ang kanilang karakter bilang magkapatid sa totoong buhay sa kanilang upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Martes, February 24, ibinahagi ng Apoy sa Dugo stars na mas naging close ang kanilang samahan at parang magkapatid na talaga ang kanilang turingan.

Lalo na para kay Elle, na only child sa totoong buhay at naghahangad ng koneksyon na parang isang kapatid.

“Ako personally, longing din ako na magkaroon ng kapatid,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “Tapos in real life si Ashley, para talaga siyang sister ko.”

Ibinahagi rin niya na nararamdaman niya ang qualities ng pagiging isang kapatid kay Ashley.

“Totoo kasi, inaalagaan rin niya ako e. Protective siya sa akin at saka inaalagaan niya 'yung mga eksena namin,” kuwento niya.

Ikinuwento rin ni Ashley ang ilang moments nila ni Elle sa set.

“Sa set, paminsan pumupunta kami sa set na hindi kami nag-uusap, parehas damit namin,” kuwento niya.

Dagdag pa niya tungkol sa kanilang upcoming series, “Sana makita rin ng tao 'yun na talagang mahalin din 'yung character namin as siblings.”

Mapapanood si Elle at Ashley bilang magkapatid sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo. Kasama nila sa serye sila Derrick Monasterio, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, Cai Cortez, at content creators na sina Fonzi at Toniyuh.

Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2, 4:05 p.m. sa GMA at GMA Prime.

Panoorin ang buong balita rito:

Samantala, tingnan ang kaganapan sa Apoy sa Dugo mediacon dito: